Mahalagang Mensahe Mula sa Department of Managed Health Care
May tungkulin ang California Department of Managed Health Care na pangasiwaan ang mga plano sa serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang karaingan laban sa iyong planong pangkalusugan, dapat ka munang tumawag sa iyong planong pangkalusugan sa 1(800) 288-5555 o sa 1(415) 547-7800 at gamitin ang proseso sa karaingan ng iyong planong pangkalusugan bago makipag-ugnayan sa departamento. Ang paggamit sa pamamaraan ng karaingan na ito ay hindi nagbabawal sa anumang posibleng legal na karapatan o remedyo na maaari mong gamitin. Kung kailangan mo ng tulong sa isang karaingan na may kinalaman sa isang emergency, isang karaingan na hindi pa kasiya-siyang nalutas ng iyong planong pangkalusugan, o isang karaingan na mahigit 30 araw nang hindi nalulutas, maaari kang tumawag sa departamento para sa tulong. Maaaring kwalipikado ka rin para sa isang Hiwalay na Pagsusuring Medikal (IMR). Kung kwalipikado ka para sa IMR, magbibigay ang proseso ng IMR ng walang kinikilingang pagsusuri ng mga medikal na desisyon na ginawa ng isang planong pangkalusugan na nauugnay sa medikal na pangangailangan para sa isang iminumungkahing serbisyo o paggamot, mga desisyon sa saklaw para sa mga paggamot na pang-eksperimento o sinisiyasat pa lang at mga hindi pagkakaunawaan sa pagbabayad para sa mga medikal na serbisyong pang-emergency o agarang kinakailangan. Mayroon ding toll-free na numero ng telepono na 1(888) 466-2219 at linya ng TTY 1(877) 688-9891 ang departamento para sa may problema sa pandinig at pagsasalita. Ang Internet Web site ng departamento na www.dmhc.ca.gov ay may mga form ng reklamo, form ng aplikasyon para sa IMR, at mga tagubilin online.